Quick Links: Talumpati | Licensed Librarians | Filipiniana Online | Stereotypes | Leadership | The Philippines

Talumpati: Manuel L. Quezon —
Wikang Pambansa

On August 19, the birth of Manuel L. Quezon—former President of the Philippines and acknowledged "Father of the National Language"—will once again be remembered in "Buwan ng Wika" celebrations throughout the country, but this time with the added dimension that this year's theme is "Wikang Filipino: Mula Baler Hanggang Buong Pilipinas" (The Filipino Language: From Baler to the Rest of the Philippines). Baler was Quezon's birth place.

The speech below is my translation of excerpts from "Manuel Quezon on the National Language." It is being shared here for the benefit of students looking for a speech to recite in class. It may not be reproduced, whether in print or online, without my permission.


Wikang Pambansa
Manuel L. Quezon

Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.

Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat.

Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba?

Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya.

Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't-ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin, Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...