See also the category "Talumpati."It used to be that every last Sunday of August was National Heroes Day. But because of the "holiday economics" law, the holiday has been moved to every last Monday of August. So this post is technically late as a tribute to our heroes, but it's still in time for the end of Buwan ng Wika.
"Land of Bondage, Land of the Free" was a speech delivered by Raul Manglapus as a student in 1939. The translation below by Onofre Pagsanghan of an excerpt from this speech was first published in Makabagong Pilipino (1967).
The translation—with a few modifications—is reproduced here with the translator's permission, so that it may be used by students looking for a speech to recite in class. It may not be reproduced, whether in print or online, without the translator's consent. See "An Open Letter to C. S. Canonigo" for possible consequences of unauthorized reproduction.
Lupa ng Alipin, Lupa ng Malaya
Raul Manglapus
Mga ginoo, ang tao ay naparito ngayon... hindi upang hukuman, kundi upang humukom. Pakinggan ninyo ang kanyang pag-uusig at ang kanyang hatol:
Inuusig ko ang Kastilang enkomenderong tumuklas ng mga buwis na di makakayang balikatin!
Inuusig ko ang usurerong nagpataw sa akin ng mga pautang na di makakayang mabayaran!
Inuusig ko ang walang pananagutang mga pinuno at ang kanilang mapanilong pananalumpati na sumisira sa aming pananalig sa ating pamahalaan!
Inuusig ko ang hacenderong mapanlinlang na umagaw ng aking lupa't bumusabos sa akin!
Inuusig ko ang kanyang pagkitil sa marangal na pagsisikap ng marangal na pamahalaan sa dambana ng kanyang walang hangganang kasakiman.
Pinararatangan ninyo ako sa di pagtaguyod ng aking asawa't mga anak. Lagutin ninyo ang tanikala ng aking pagkaalipin, at pabubulaanan ko ang inyong bintang!
Pinararatangan ninyo ako ng kamangmangan. Ngunit ako'y mangmang sapagkat ikinayayaman ng aking panginoong ako'y panatilihing mangmang. Lagutin ninyo ang tanikala ng aking pagkaalipin, at pabubulaanan ko ang inyong bintang!
Pinararatangan ninyo ako ng katamaran. Ngunit ang aking katamara'y bunga hindi ng kawalan ng pagnanasa, kundi ng kawalan ng pag-asa. Bakit ako magsisikap, kung ang lahat ng magiging bunga ng aking pagsisikap ay uuwi lamang sa pagbawas ng utang na di naman mababawasan! Lagutin ninyo ang tanikala ng aking pagkaalipin, at pabubulaanan ko ang inyong bintang!
Bigyan ninyo ako ng lupang masasaka. Lupang magiging akin. Lupang walang kinikilalang hari-harian. Lupang magiging malaya. Ibigay ninyo sa akin sapagkat ako'y nagdarahop. Ibigay ninyo sa akin nang ang aking mga supling ay di mangamatay. Ipagbili ninyo sa akin, ipagbili ninyo sa halagang makatarungan, tulad ng pagbibilihan ng mga taong malaya at di tulad ng pagbibili ng usurero sa alipin. Ako'y maralita. Ngunit ako'y magbabayad. Ako'y magsisikap, magsisikap hanggang sa ako'y manlupaypay, makamtan ko lamang ang aking karangala't karapatang maging malaya!
Ngunit kung hindi ninyo pauunlakan itong aking huling pagsamo, itong aking huling kahilingan, magtayo na kayo ng moog sa paligid ng inyong mga tahanan... pagkataasan ninyo!... pagkatibayan ninyo!... maglagay kayo ng tanod sa bawat sulok!... sapagkat akong nanatiling tahimik ng tatlong daang taon ay darating sa gabi sa gitna ng inyong handaan, kasabay ng aking sigaw at tabak sa inyong pintuan. At kahabagan nawa ng Diyos ang inyong kaluluwa!