Quick Links: Talumpati | Licensed Librarians | Filipiniana Online | Stereotypes | Leadership | The Philippines

Talumpati: Onofre Pagsanghan

See also the category "Talumpati." And whether you found what you were looking for or not, please leave a comment below so I can help you better.
Today is National Heroes Day.

"Sa Kabataan" (To the Youth) by Onofre Pagsanghan, first published in Hasik (Quezon City, 1976), is the only Tagalog speech I am aware of that was written so that first-year high school students could recite it in class.

I have divided the speech into two parts, which was how Pagsanghan divided it when he assigned it to my class many years ago. He then told us to choose one, memorize it and deliver it in class.

The speech ends with the words: "Ang tunay na pag-ibig sa bayan... ay nasa pawis ng gawa," which literally translates into "True love of country... lies in the sweat of action." My not-so-faithful translation: "Love is a verb."

Our national heroes acted on their love for their country. Some even died because of it. After all, true love is not just a feeling that comes and goes. True love goes beyond emotions and translates into action.


Sa Kabataan
Onofre Pagsanghan

- I -

Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang "nabansot." Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit ito’y tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa.Ang panahon ng kabataan ay panahon ng paglaki, ngunit ang ating paglaki ay kailangang paglaki at pag-unlad ng ating buong katauhan, hindi lamang ng ating sukat at timbang. Kung ga-poste man ang ating taas at ga-pison man ang ating bigat, ngunit kung ang pag-iisip naman nati’y ga-kulisap lamang, kay pangit na kabansutan. Kung tumangkad man tayong tangkad-kawayan, at bumilog man tayong bilog-tapayan, ngunit kung tayo nama’y tulad ni "Bondying" ay di mapagkatiwalaan—anong laking kakulangan. Kung magkakatawan tayong katawang "Tarzan" at mapatalas ang ating isipang sintalas ng kay Rizal, ngunit kung ang ating kalooban nama’y itim na duwende ng kasamaan—anong kapinsalaan para sa kinabukasan.

- II -

Kinabukasan. Kabataan, tayo raw ang pag-asa ng Inang Bayan. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan. Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Araw-araw ay tumutuwid tayong palangit o bumabaluktot tayong paputik. Tamang-tama ang sabi ng ating mga ninunong kung ano raw ang kamihasnan ay siyang pagkakatandaan. Huwag nating akalaing makapagpapabaya tayo ng ating pag-aaral ngayon at sa araw ng bukas ay bigla tayong magiging mga dalubhasang magpapaunlad sa bayan. Huwag nating akalaing makapagdaraya tayo ngayon sa ating mga pagsusulit, makakupit sa ating mga magulang at sa mahiwagang araw ng bukas makakaya nating balikatin and mabibigat na suliranin ng ating bansa. Huwag nating akalaing makapaglulublob tayo ngayon sa kalaswaan at kahalayan, at sa mahiwagang araw ng bukas bigla tayong magiging ulirang mga magulang.

Kabataan, ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis ng gawa.


Thanks to Ronald Cabunagan and Francis Alvarez, SJ, for their assistance in obtaining the text.

Category: Talumpati

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...