Quick Links: Talumpati | Licensed Librarians | Filipiniana Online | Stereotypes | Leadership | The Philippines

Edsa 20/20: Tayo Tayo Rin


The MDG Anthem—or "Tayo Tayo Rin" ("No One Else But Us")—is about the Millennium Development Goals, but it seems to be very relevant to our situation today. The song asks, "Sino pang magdadamayan kundi tayo tayo rin?" (Who else will help us if not ourselves?).
Click on the arrow in the middle of the screen if you'd like to watch the video. It will take some time to load, so I suggest you click on the "pause" button while waiting. The video will stop playing, but it will continue to load.
The singers include, in order of appearance: Sharon Cuneta, Gary Valenciano, Martin Nievera, Lea Salonga, Aiza Seguerra, Joey Ayala, Kuh Ledesma, Janno Gibbs, Pops Fernandez, Freddie Aguilar, the APO Hiking Society, Sarah Geronimo, Christian Bautista, Bayang Barrios, Kitchie Nadal, and Rico Blanco.

If you'd like to listen to the "anthems" of the EDSA Revolution, "Magkaisa" is available as the 11th message on the Pinoy.us board, while "Handog Ng Pilipino Sa Mundo" (mp3) is available via the blog of Jim Paredes. The lyrics for all three songs follow:

Tayo Tayo Rin
Lyrics by Cecilia Datu
Music by Rico Blanco
Chorus:
Sino pang magdadamayan
Kundi tayo tayo rin?
Kung may pagkakataong tumulong
Huwag palampasin

Simulan na ang magtanim
Ng mabubuting gawain
Dahil sino pang aani
Kundi tayo tayo rin
Kung dumaraing ka
Masdan mo ang musmos
Gusto sanang mag-aral
Ngunit nanlilimos

Kung nagigipit ka
Masdan mo ang dalaga
Di maabot ang pangarap
Dahil babae siya

Bawat tao’y may problema
Ngunit bawat tao’y may lakas
Magsikap ka, magsama-sama
Lahat ng iya’y may lunas!

Repeat Chorus

Kung nalulungkot ka
Masdan ang isang ina
Di mabigyang buhay
Ang sanggol niyang dala

Kung nangungulila
Masdan ang may sakit
Hangad niya'y unawa
Ngunit walang lumalapit.

Repeat Chorus

Halika, kumilos ka, sabay tayo
Tara may oras pa, tulungan tayo!

Ang pag aalis ng kahirapan
Pagpapabuti ng edukasyon
Pagsulong ng patas na karapatan
At kalusugan ng lahat
Ang pag-aalaga ng kalikasan
At pandaigdigang pagtutulungan
Ito ang ating Millennium Development Goals o MDGs
Sikapin nating maabot ang mga ito!
May kanya-kanya tayong lakas!
Tulungan tayo!

Repeat Chorus 2x

Magkaisa
Composed by Tito Sotto, Homer Flores, E. dela Pena
Noon, ganap ang hirap sa mundo
Unawa ang kailangan ng tao
Ang pagmamahal sa kapwa ilaan

Isa lang ang ugat na ating pinagmulan
Tayong lahat ay magkakalahi
Sa unos at agos ay huwag padadala
Chorus 1:
Panahon na ng pagkakaisa
Kahit ito ay hirap at dusa

Chorus 2:
Magkaisa (may pag-asa kang matatanaw)
At magsama (bagong umaga't bagong araw)
Kapit-kamay (sa atin s'ya'y nagmamahal)
Sa bagong pag-asa
Ngayon, may pag-asang natatanaw
May bagong araw, bagong umaga
Pagmamahal ng Diyos isipin mo tuwina

Repeat Chorus 1 & 2
Chorus 3:
(Magkaisa) May pag-asa kang matatanaw
(At magsama) Bagong umaga't bagong araw
(Kapit-kamay) Sa atin s'ya'y nagmamahal
(Sa bagong pag-asa)

Chorus 4:
Panahon na (may pag-asa kang matatanaw)
Ng pagkakaisa (may bagong araw, bagong umaga)
Kahit ito (pagmamahal ng Diyos isipin mo tuwina)
Ay hirap at dusa
Magkaisa at magsama
Kapit-kamay sa bagong pag-asa

Magkaisa...

Handog Ng Pilipino Sa Mundo
Composed by Jim Paredes

Di na ko papayag mawala ka muli
Di na ko papayag na muling mabawi
Ating kalayaan kay tagal na nating mithi
Di na papayagang mabawi muli

Magkakapit-bisig libu-libong tao
Kay sarap pala maging Pilipino
Sama-sama iisa ang adhikain
Kelan man di na paalipin

Chorus:
Handog ng Pilipino sa mundo
Mapayapang paraang pagbabago
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas
Basta't magkaisa tayong lahat
Magsama-sama tayo, ikaw at ako

Masdan ang nagaganap sa aming bayan
Pagsasama ng mahirap at mayaman
Kapit-bisig madre, pari, at sundalo
Naging langit itong bahagi ng mundo

Huwag muling payagang umiral ang dilim
Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin
Magkakapatid lahat sa Panginoon
Ito'y lagi nating tatandaan

Repeat Chorus 2x

Categories: The Philippines, Filipiniana Online

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...